-- Advertisements --

Suportado ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang hakbang ni US Secretary of Defense Mark Esper na bumisita sa China bago matapos ang taon para kausapin ang kanyang Chinese counterpart.

Sinabi ni Sec. Lorenzana, mabuti kung nagkakausap ang dalawang ‘”super powers” sa mundo lalo kung may kinalaman sa tensyon sa South China Sea.

Ayon kay Sec. Lorenzana, pakikinabangan ito ng rehiyon lalo sa usapin ng katatagan at seguridad.

Kaya pabor daw siya sa balak na ito ni Esper para kausapin ang Defense minister ng China.
Magugunitang uminit na naman ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa matapos magsagawa ng military exercises ang US Navy sa South China Sea.