(Update) Patuloy ang pagbati ng mga fans sa national football Team Azkals matapos na magwagi kagabi sa national team ng Tajikistan sa score na 4-3 kaugnay sa 2019 Asian Cup Qualifiers.

Ilan sa mga fans ang nagkwento kung paano sila nagpuyat para abangan ang resulta ng laro na ginanap sa homecourt ng Tajikistan team sa Republican Central Stadium sa Dushanbe.

Kung maalala unang nagbigay ng score sa Pilipinas ang team captain at striker na si Phil Younghusband sa pamamagitan ng free-kick na sinundan pa nina Javier Patino, Mike Ott at Daisuke Sato.

Nangunguna na ang Team Philippines sa Group F na may kabuuang six points makaraang mauwi naman sa draw ang hiwalay na laro ng Yemen at Nepal.

Sa ngayon may ilang buwan pa ang Azkals na paghahanda bago ang sunod na laro sa  September 5  kontra sa national team ng Yemen na magaganap sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City.

Noong buwan ng Marso inilampaso ng Azkals ang Nepal sa score na 4-1.

Ilan sa mga pagbati sa social media:

Iain Ramsay‏
“Great way to silence the critics… proud of the squad . #azkals #roadtoasiancup”

Fernando Madera
“Keep it up congrats…”

Von Y Perales
“Congrats azkals,, make ur world ranking improve”

Ephraim M. Reyes
“Congrats guys. Pinagpuyatan ko match nyo kagabi.”

Melts Mouth
“Malapit na tayong ma abot sa 100 rank sa Fifa world”