Bumuhos ang pagbati sa desisyon na pagreretiro ni UFC fighter Khabib Nurmagomedov.

Isinagawa nito ang pagreretiro ng talunin niya si Justin Gaethje sa UFC 254 na idepensa ang kaniyang lightweight title.

Mayroon na itong malinis na career record na 29-0.

Isa sa dahilan ng pagreretiro niya ay matapos na pumanaw ang ama nito na si Abdulmanap noong Hulyo dahil sa COVID-19.

Isa kasing trainor at coach nito ang ama at ayaw na niyang lumaban dahil sa pagkawala ng ama.

Ilan sa mga nagbigay ng pagpupugay ay si Conor McGregor na nagsabing maganda ang peformance na ipinakita ni Khabib.

Tinalo kasi ni Khabib si McGregor noong 2018.

Tinawag naman na Jon Jones na isang makasaysayang fighter si Khabib.

Nagpahayag din ng pagpupugay sina UFC heavyweight champion Stipe Miocic, British fighter Darren Till.