-- Advertisements --

Sa gitna ng hinaharap na krisis ng bansa dahil sa COVID-19, ilang opisyal ang nagsalita hinggil sa kahalagahan ng balanseng pagkontrol sa pagkalat ng sakit at muling pagbubukas ng ekonomiya.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hangga’t wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang pandemya dapat panatilihin ang pagsunod sa minimum health standard protocols.

“Our everyday actions have an impact on the spread of the virus and we have to remember that responsible decisions — no matter how small — may end up saving lives,” ani Vergeire.

Para naman kay Finance Asec. Tony Lambino, nasa kamay ng bawat isa ang pagtutulungan para makabalik ng ligtas sa kani-kanilang trabaho ang mga manggagawa.

“Kailangan po nating gawing pareho, kailangan po nating tulungan ang ating mga kababayan na makabalik sa kanilang mga trabaho at paghahanap-buhay to restart their livelihoods while protecting lives at the same time,” ani Lambino sa media forum ng Department of Health.

Sa ngayon patuloy daw na pinag-aaralan ng economic team ng pamahalaan kung magkano na ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa.

“A tremendous amount of pain and when we say the economy is experiencing pain, we know that means people’s own business are feeling the pain, employees are feeling the pain,” ani Lambino.

Para sa Finance official, bukod sa polisiya, kailangan din ng angkop na tugon mula sa publiko para hindi na kumalat pa ang sakit, kasabay ng muling pagbangon ng ekonomiya.

Ayon naman kay Vergeire, bagamat hamon, kailangang maintindihan ng publiko na patuloy na niyayakap ng bansa ang “new normal.”

“Adopting these behaviors will help to reinforce the national response while we will continue to figure out how to safely open up the economy.”