abueva
Calvin Abueva/ Photo courtesy of PBA

Naniniwala ang dating coach ng Phoenix Super LPG na si Louie Alas, na magpapalakas pa lalo sa team ang pagbabalik ni Calvin Abueva.

Una nang tinanggal kahapon ng PBA ang 16 na buwan na suspension kay Abueva.

Ayon kay Alas na dating may hawak kay Abueva, bagamat inaasahan nilang meron pang kalawang sa laro ni Abueva, sa huli makukuha rin ng tinaguriang “The Beast” ang dati nitong laro.

Ang 32-anyos na forward ay puwede nang maglaro sa kanyang first game kontra NLEX Warriors mamayang gabi.

Sa ngayon ay hawak ng Fuel Masters ang kartada na 3-2 record.

Para naman kay Phoenix coach Topex Robinson, hindi naman garantiya na magpapanalo ang kanilang koponan sa pagbabalik ni Abueva.

Hindi rin aniya ito isang “Superman” dahil isa lamang itong parte na bubuo sa kampanya ng team sa PBA bubble.

Magugunitang noong nakaraang Hunyo 2019 ay pinatawan ng indifinite suspension si Abueva matapos ang banggaan nila ni TNT import Terrence Jones at ang nobya ni Ray Parks.