LRT train

Maghihigpit ngayon ang Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa mga pasahero na mag-uusap habang nsa loob ng mga bagon.

Sinabi ni Corporate Communications head ng Light Rail Manila Corp (LRMC) Jacqueline Gorospe, na malaki ang posibilidad na kumalat ang coronavirus kapag tinanggal na ang facemask.

Bukod sa personal na pag-uusap ay pagbabawalan din nila ang pagtawag sa telepono.

Magtatalaga na sila ng mga tauhan para matiyak na hindi tatalsik ang laway.

Gumaling na rin anila ang mga personnel nila na may sakit.