Hangad ni ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo na ipag-utos ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-recall sa lahat ng vaping products na ibinebenta sa bansa.

Ayon kay Tulfo, kung titingnan kasi ay kulang ang hakbang ng FDA sa pagpapalabas lamang ng joint statement kasama ang Department of Health (DOH) kaugnay sa sinasabing masamang epekto sa paggamit ng vape.

Dahil sa seryosong banta sa kalusugan ng publiko dahil sa paggamit ng vape, marapat lamang aniya na isulong ang pag-recall sa mga vaping products at ipagbawal ang pagbebenta nito online.

“Lung problems are among the most deadly and debilitating illnesses of millions of Filipinos today. Lung cancer, asthma, allergies, and airborne diseases like meningococcemia are major health issues. Vaping compounds and complicates these problems of people caught in the smoking habit or with already weak lungs, as well with cardiovascular ailments,” ani Tulfo.