Naniniwala ang isang ekonomista na tama ang desisyon ng Marcos Jr., administration na mag-invest sa edukasyon para masustine ang long-term economic goals.
Ayon kay Michael Ricafort, isang ekonomista , lumago ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa demographic “sweet spot” ng bansa sa kabila ng mahinang performance ng manufacturing and agriculture sectors.
“Kasi may bright spots po tayo na tinatawag. Iyon tulad po yong binanggit po natin iyong demographic sweet spot na tinatawag magmula noong 2015. Demographic dividend, demographic sweet spot iisa lang po iyon since 2015. Kaya nga po iyong economic growth natin ano iyon eh, huli na po kasi iyong Pilipinas doon noong 2015.” palinawag ni Ricafort.
Sinabi ni Ricafort, ang mga neighboring countries ng bansa ay higit na nauuna sa pagkakaroon ng ganitong demograpikong sitwasyon.
Ang pagkakaroon ng demographic sweet spot ay nangangahulugan na ang karamihan ng populasyon ay nasa edad ng pagtatrabaho kaya ang mga manggagawa ay produktibo.
Nabanggit din ni Ricafort na ang mga bansang nabigo sa pagbuo ng kanilang mga sistema ng edukasyon ay nahulog sa bitag sa utang o bitag sa kahirapan.
“Iyon po talaga iyong iniiwasan kaya nandodoon po iyong intervention kaya kitang-kita naman po natin for many years the number one na biggest budget allocation always goes to education which is kasi it is an investment approach,” wika ni Ricafort.
Ang Pilipinas ay nakikinabang sa pagkakaroon ng isang demographic sweet spot kung saan ang bansa ay nasa ikaapat na pinakamalaki sa mundo sa mga remittance mula sa mga manggagawa sa ibang bansa batay sa taunang data ng World Bank.
Nakapagtala naman ang bansa ng nasa mahigit US$40 billion OFW remittances kada taon mula sa banking system at outside banking system.
Dagdag pa ni Ricafort, pumapangalawa ang bansa sa buong mundo sa business process outsourcing (BPO), at patuloy ito na lumalago.