ILOILO CITY – Sinimulan na ng Ukraine ang plano nitong pag-display ng nasirang mga Russian military vehicles sa iilang European cities upang ipakita sa mga tao na makakaya ng Kyiv na talunin ang Russia.
Unang isinagawa ang exhibition ng nasirang tangke at military equipoment ng Russia sa Warsaw, Poland, isa sa mga bansang kaalyado ng Ukraine.
Ayon kay Bombo International Correspondent Neva Intrepido Kessler direkta sa Warsaw, tinawag na “For our Freedom and Yours” ang naturang exhibition at kasama dito ay ang T-72 tank, ang self-propelled howitzer at part ng Russian missile systems na na-capture ng Ukrainian forces nang nag-umpisa ang Russian invasion.
Ayon kay Kessler, ipinapakita nito ng Poland na nilalabanan nila ang Russia at makakarating lamang sa Europa ang Russian tanks bilang mga museum exhibits.
Inaasahan rin ang exhibition ng mga sirang Russian military equipment sa Madrid Spain, Lisbon, Portugal, at Czech Republic.
Napag-alamang ayon Ukrainian armed forces, higit na sa 1,500 tanks at armored vehicles ng Russia ang nasira mula nang isinagawa ang Russian invasion noong Pebrero.