May libreng panood ang pamunuan ng Philippine Army para sa mga sundalo at sa kanilang mga pamilya sa darating na Linggo, July 2.

Ito ay bilang pagsuporta kay Sen. Manny Pacquiao sa laban nito sa Australian boxer na si Jeff Horn sa Brisbane.

Gagawin ang libreng viewing sa Army Gym at Army Officers Club sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ayon kay Philippine Army spokesperson Lt. Col Ray Tiongson, malakas ang pakiramdam nilang mapagtatagumpayan ni Pacman ang labang ito.

Nakapagpapataas aniya ng morale ng mga sundalo lalo na ang mga bayaning nasa Marawi, ang pag-aalay sa kanila ni Pacquiao sa laban niya.

Sinabi ni Tiongson na manalo o matalo, suportado nila ang Pinoy ring icon.

Si Manny ay isang Philippine Armt reservist na may ranggong Lieutenant Colonel.

Una itong pumasok sa Army reserve force bilang sergeant noong April 2006.

“We expect him to be victorious in his fight, We are solid for the champ. He dedicated his fight for our heroes fighting the Maute-ISIS terrorist in Marawi, it boost our soldiers morale. Win or loose we will support Manny,” pahayag pa ni Tiongson.