-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang padre de pamilya matapos pagpupukpokin sa ulo ng sarili nitong anak sa Sta.Rosa St. Barangay Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Alyas “Noli”, 54 anyos, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provicial Office, nabatid na natutulog si Noli sa kanilang bahay nang bigla umanong dumating ang anak nitong si Alyas “Mon”, 31 anyos, at pinagpupukpok ang ulo ng biktima gamit ang dos por dos.

Dahil dito, nagtamo ng seryosong tama sa kaniyang ulo ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit dineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na nasa impluwesiya ng alak ang nasabing suspek nang isagawa ang krimen.

-- Advertisement --

Samantala, kaagad naman na naaresto ng mga aawtoridad ang suspek at nasa pangangalaga na ng Paracale Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.