NAGA CITY- Wala nang buhay nang matagpuan habang nakabigti ang isang padre de pamilya sa Brgy. Pinagbirayang Munti, Paracale Camarines Norte.

Kinilala itong si Arnold Dasco 37-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, nabatid na bago pa lamang ang insidente inaakusahan na ito ng kanyang dalawang anak na pinagsasamantalahan sila nito.

Kaugnay nito, nagbanta umano si Dasco na magpapakamatay sakaling kasuhan siya ng mga ito dahil sa nasabing akusasyon.

Dahil dito, tinotoo naman ni Dasco ang nasabing banta, kung kaya naabutan itong nakabigti sa kanilang mismong bahay gamit ang isang lubid.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.