KORONADAL CITY – Labis ang paghihinagpis ng pamilya ng isang padre de pamilya matapos kinitil nito ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti.

Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, kinilala ang biktima na si Eric Guindulan Dawang, 38, may asawa, isang magsasaka at residente ng Prk Ipil-ipil, Brgy San New Passi, Tacurong City.

Ayon sa mga kaanak, nahahalata nilang parang palaging wala umano sa sarili at balisa kung minsan ang biktima.

Inamin din nilang umalis din ito sa kanilang bahay noong Disyembre 10 ngunit hindi alam kung ano ang dahilan.

Kaya laking gulat at paghihinagpis nang makita nila itong nakalambitin sa puno at wala nang buhay.

Sinasabing depresyon ang posibleng dahilan ng biktima kaya nagpatiwakal ito.

Inaalam pa ng Tacurong City PNP kung may foul play na nangyari sa naturang insidente.