Reading Time: 1 minute

Hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa si Pacquiao na muli nitong makakaharap sa ibabaw ng ring ang dati nitong mahigpit na karibal na si Floyd Mayweather Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na sakaling bumalik mula sa pagiging retirado si Mayweather ay kanya raw ipapakita kung sino ang tunay na nagwagi sa bakbakan nila noong 2015.

“If he really comes back and fights with me, then that’s good for me,” wika ni Pacquiao sa The Press Telegram. “We can show who is the real winner. I would be healthy.”

Maaalalang nagretiro si Mayweather sa boxing noong Agosto 2017 matapos nitong magwagi via 10th round technical knockout kontra kay UFC superstar Conor McGregor.

Pero sa ngayon tutok muna ang Pinoy ring icon sa kanyang laban kay Thurman sa MGM Arena sa Las Vegas walong araw mula ngayon.

Sakaling magwagi laban kay “One Time,” sinasabing itatapat kay Pacquiao ang magwawagi sa unification clash nina Errol Spence at Shawn Porter na magtutuos para sa WBC at IBF welterweight belts.