-- Advertisements --

Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Sec. Alfonso Cusi si Senator Manny Pacquiao matapos na ituloy ng mambabatas ang pagtakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (Probinsiya Muna Development Initiative).

Oktubre 1 nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Pacquiao para sa kanyang pagktakbo bilang presidente sa 2022 elections, pero sa ilalim ng PROMDI at hindi sa PDP-Laban.

Mababatid na hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang banggaan nina Pacquiao sa paksyon ni Cusi.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag ng Cusi-wing, ang pagtakbo ni Pacquiao sa ilalim ng PROMDI ay paglabag sa Section 6, Article III ng Constitution ng kanilang partido.

Nakasaad aniya rito na basehan para sa expulsion sa kanilang partido ang paghahain ng COC ng sinuman sa kanilang mga miyembro sa ilalim ng ibang political party.

Magugunita na naghain na rin ang Cusi-led faction ng petition sa Comelec para ipadeklara ang paksyon ni Pacquiao at kaalyado nito na si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III bilang illegitimate.

Para kay Matibag, ang presidential bid ni Pacquiao sa ilalim ng ibang partido ay nagpapatunay lamang nang illegitimacy ng paksyon nito.