Pinasalamatan ni Senator Manny Pacquiao si dating Mexican boxing champion Juan Manuel Marquez dahil sa paghanga nito pagbibigay serbisyo sa publiko ng Pinoy boxing champion.

Kasunod ito ng gagawing inspirasyon ni Marquez si Pacquiao sa pagpasok nito sa larangan ng pulitika.

Hinikayat pa ng senador si Marquez na maging partner sila sa paglaban sa kurapsiyon.

Pinaalalahanan din nito na ang dating Mexican boxer na ang pulitika ay hindi negosyo at ito ay isang pagsisilbi sa publiko.

Magugunitang nagpahayag si Marquez na tatako ito bilang miyembro ng Chamber of Deputies sa Mexico sa isang lugar sa Gustavo A. Madero.