-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ng kaniyang mga kaibigan si Sen. Manny Pacquiao sa mga posibleng paglala pa ng mga atake na kaniyang matatanggap ngayong nagdeklara na ito bilang tatakbo sa 2022 presidential race.

Pero sinabi sa Bombo Radyo ni House Deputy Speaker Lito Atienza na hindi lamang sa mga kalaban sa politika dapat maghanda ang senador, kundi sa mga troll.

Kwento ni Atienza, siya nga mismo ay hindi pinaligtas kahapon ng mga keyboard warriors, dahil lamang sa pagdalo sa event ng PDP Laban.

Hangad naman ng kongresista na malagpasan ito ng kaniyang kaibigan, lalo’t mahabang laban pa ang haharapin nito.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi masisira ng politika ang kanilang pagkakaibigan ni Pacquiao.

-- Advertisement --

Maliban kasi kay Pacquiao, si Lacson pa lang ang pormal na nagdeklara ng kandidatura para sa pagka-pangulo ng ating bansa.