Reading Time: 1 minute
Pacquiao short
Pacquiao short

Nanawagan si Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa mga interesadong bumili ng kaniyang boxing short na ginamit sa panalo niya kay Keith Thurman nitong Hulyo 20.

Ang nasabing boxing short ay isusubasta bilang suporta sa charity works sa pamumuno ng American TV host Jimmy Kimmel.

Gagamitin ang nasabing pera na malilikom para sa mga may sakit ng Amyotrophic lateral sclerosis (ALS).

Magugunitang bago ang laban ni Pacquiao kay Thurman ay nakapanayam ito ni Kimmel at nangakong isusubasta ang shorts na suot nito para makatulong sa charity program ni Kimmel.

pacquiao thurman
Pacquiao Thurman

Makikita sa Charitybuzz.com website ang larawan ng short ni Pacquiao.

Kulay puti ito na may nakalagay ng iba’t-ibang mga logo ng ng kaniyang sponsors.