Reading Time: 1 minute
errol spence
Weterweight champ Errol Spence

Nagpaabot na rin nang pagdarasal ang ilang mga boksingero para sa mabilisang paggaling ni Errol Spence matapos na masangkot ito sa aksidente.

Nanguna rito si Filipino boxing champion Manny Pacquiao na ipinagdarasal niya si Spence.

Nagpaabot din nang kanilang “get well wishers” sina Shawn Portrer at Roy Jones Jr.

Nasa pagamutan pa rin ang 29-anyos na kampeon matapos na bumaligtad ang kaniyang puting Ferrari sa Riverfront Boulevard sa Dallas.

Inaalam pa ng mga otoridad kung nakainom ba ang boksingero nang nangyari ang aksidente.

Magugunitang isa si Spence sa lumalabas na susunod na makakaharap ni Pacquiao.

Nauna rito noong Setyembre 28 ay tinalo ni Spence si Porter sa kanilang welterweight title fight.

Kasalukuyan siyang IBF at WBC welterweight champion na mayroong 26-0 record bilang pro fighter.