Reading Time: 1 minute
mayweather
Floyd Mayweather Jr.

Naniniwala si 8-division world champion Sen. Manny Pacquiao na natatakot na umano si Floyd Mayweather Jr. na magharap silang muli sa ibabaw ng boxing ring.

Ayon kay Pacquiao, iwas daw kasi ng iwas sa kanya si Mayweather at tiyak umanong ganito pa rin ang mangyayari sakaling magwagi ito sa laban nila ni Keith Thurman sa Hulyo.

“I think he’s scared (to fight again),” giit ni Pacquiao. “He keeps avoiding me, (and will keep avoiding) especially when I win this fight in July.

“But you never know, maybe he will come back.”

Inamin din ng Fighting Senator na hindi pa rin nawawala ang kanyang kagustuhan na muling makaharap sa ibabaw ng ring ang retired American boxer.

Sinabi ni Pacquiao, mahalaga raw ang rematch kay Mayweather lalo pa’t marami pa rin umanong mga boxing fans ang duda sa naging resulta ng laban nila noong 2015.

“I still believe I deserved to win. But like I said, I respect the judges. It’s why we want the rematch though; people have a lot of question marks in their minds,” ani Pacquiao.

Una nang sinabi ni Mayweather na hindi na raw ito interesado pa sa Pacquiao rematch at kanya na raw prayoridad ngayon ang kanyang pamilya.