Posible umanong tumuntong pa sa boxing ring si Pinoy superstar Sen. Manny Pacquiao ngayong taon, ngunit nakadepende pa raw ito sa magiging sitwasyon kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay conditioning coach Justin Fortune, kaya pa ni Pacquiao na makapagsagawa ng dalawang laban ngayong 2020 sakaling mawala na ang COVID-19 sa Hulyo.

“The way I see it, Manny can go back-to-back and still fight twice this year. Everything depends on the coronavirus. If boxing is back to normal by the end of June or in July,” wika ni Fortune.

Dagdag ni Fortune, magandang laban ang posibleng ihatid kay Pacquiao kung haharapin nito ang Amerikanong si Mikey Garcia.

“Manny can fight Mikey first then another challenger by December. Manny will be 42 by the end of this year. He can sit back and relax but knowing Manny, he’s got a lot of fight left in him.”

Una nang inihayag ni Garcia ang kanyang interes na makasagupa si Pacquiao.

“I think it’ll be an entertaining fight as long as it lasts,” ani Fortune. “This will be Mikey’s chance to cash in. Everybody wants to fight Manny because of the payday. Mikey works hard and will give a good fight but Manny’s stronger and faster.”

Sa pananaw din ni Fortune, hindi umano makakaporma si Garcia sa Fighting Senator.

“It’ll be done in six or seven rounds,” saad nito.