-- Advertisements --

Sasampahan ng kampo ni Senator Manny Pacquiao ng kasong cyber libel at estafa and dating kaibigan nito na si Jayke Joson dahi sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Ayon sa legal counsel ng senador na si Atty. Nikki de Vega na inihahanda na nila ang kaso laban kay Joson.

Dagdag pa ni de Vega na hindi nagustuhan ni Pacquiao ang pagpapakalat ng mga maling balita at impormasyon ni Joson.

Base kasi sa alegasyon ni Joson na humiling si Pacquiao ng P165 milyon sa Paradigm Sports para ma-formalize na ang paghaharap nito noon kay Conor McGregor.

Hindi natuloy ang nasabing laban kaya nagsampa ng kaso ang Paradigm dahil mas pinili ni Pacquiao na ayusin ang laban kay Errol Spence kahit na inaayos na nila ang laban kay four-division champ Mikey Garcia.

-- Advertisement --

Mariing pinabulaanan naman ng kampo ni Pacquiao ang alegasyon na ito ni Joson na tumatakbo rin sa partylist.