Itinanggi ni Senator Manny Pacquiao na tinalakay niya kay Top Rank CEO Bob Arum ang mga plano nito sa pulitika.

Ayon sa 8-weight division champion, na nakakausap niya noon si Arum subalit ito ay patungkol sa posibleng paghaharap nila ng boksingerong si Terence Crawford.

Dagdag pa ng fighting senator na ni minsan ay hindi niya ibinunyag kay Arum ang plano nito sa pulitika.

Lalaban lamang ito aniya kapag mayroon ng naimbentong bakuna sa coronavirus.

Magugunitang ibinunyag ni Arum na tiyak na ang pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa si Pacquiao noong sila ay nagkausap.