PACQUIAO 1
Manny Pacquiao

Handang tanggapin ni Senator Manny Pacquiao kung sakaling hirangin siyang mamuno ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ng Senador na ipapaubaya niya ang desisyon kay Senator Aquilino Pimentel III na siyang kasalukuyang pangulo ng partido.

Sa panig naman ni Pimentel na hihintayin niya muna ang desisyon ng kanilang mga miyembro.

Nauna rito nagtipon-tipon ang PDP Laban bilang victory party ni Pacquiao sa panalo nito kay Keith Thurman.