Precilyn Melo Sylvestre
Article by Precilyn Silvestre-Melo (USA correspondent)

LAS VEGAS – Muling nagharapan sina Manny Pacquiao at Keith Thurman bago ang kanilang inaabangang bakbakan sa Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Ponciano “John” Melo mula sa venue, naganap ang face-off ng dalawang kampeon sa final press conference, tatlong araw bago ang kanilang laban.

Kapansin pansin na naka-formal suit ang fighting senator habang casual lamang ang damit ni Thurman.

Muli namang ginamit ni Thurman ang naturang okasyon upang mangantiyaw kay Manny.

Hindi rin nagpahuli ang fighting senator na sagutin ang harap harapang patutsada sa kanya.

pacquiao thurman final presscon

Kabilang sa binanggit ni Thurman ay sosorpresahin daw niya at gugulatin ang mundo sa Linggo.

Baka raw ito na ang huling gabi ni Pacman at “maggo-goodnight” na ng tuluyan sa kanyang career.

Pagyayabang pa ni Thurman, “on Saturday night its such gonna be one hell of a night and you know am sayin’ over and over again but dont be surprised, and Manny Pacquiao goes, night night!”

Bilang reaksiyon kumasa naman ang Pinoy ring icon sa mistulang pangmamaliit sa kanya ng American champion.

Ayon kay Pacquiao, mas mabuting gawin daw ito ni Thurman sa itaas ng ring at hindi lamang puro idadaan sa daldalan.

Nagpahiwatig pa si Pacman nang umaatikabong bakbakan dahil matagal tagal na rin daw na hindi niya nakakaharap ang isang tulad ni Thurman.

“Its gonna be exciting. The way he talked to you guys today. I hope we will do it on Saturday (Sunday PH),” buwelta naman ni Pacquiao.

Samantala, naging sidelights sa press conference ang pagpapakilala rin sa iba pang mga undercards.

pacquiao keith thurman faceoff