Muli na namang hinamon ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr na sila ay mag-rematch.

Sa inilabas na video, kasama nito ang Alibaba founder at bilyonaryong si Jack Ma.

Makikita sa video na sumusuntok si Jack Ma at dito hinamon ni Pacquiao si Mayweather at sinabing kung nais niya ang tunay na boxing ay dapat siya ang hamunin.

Subalit kung exhibition lamang ay dapat si Jack Ma na lamang ang harapin.

Magugunitang inihayag ni Mayweather hindi na ito interesado sa rematch subalit interesado ito sa exhibition fight kay Pacquiao.