Reading Time: 1 minute

CALIFORNIA, USA – Agaw pansin sa Universal Studios Hollywood ang pamilya ni Sen. Manny Pacquiao sa kanilang pamamasyal nitong weekend.

Sa halip kasing simpleng pahinga lang at paglalakad sa theme park, marami ang sumusunod at nanonood sa mga aktibidad ng fighting senator.

Sumali pa si Pacman sa basketball shooting at nakakuha ng premyo.

Tuwang-tuwa naman ang anak niyang si Israel sa mga napanalunang stuff toys.

Si Pacquiao ay nasa breaktime ng pagsasanay, dalawang linggo bago ang laban kay American undefeated boxer Keith Turman.