Reading Time: 2 minutes
pacquiao LA home guitar

GENERAL SANTOS CITY – Pansamantalang nag-timeout ang Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao sa kanyang puspusang training.

Sa interview ng Bombo Radyo GenSan kay OFW Party-list Representative Bobby Pacquiao, nag-relax muna ang kapatid matapos ang buong araw na training, magkakasama sila sa bahay nito sa Los Angeles at nagkakantahan kung saan inaawit ng fighting senator ang kanyang mga paboritong kanta.

Kasama nitong nag-i-enjoy ang mga kapatid, ina, pamilya at mga kaibigan.

Ayon pa kay Bobby, nag-punch mitts lang si Pacman kaninang umaga at walang sparring session.

Kondisyon na kondisyon na aniya ang katawan ng Pinoy ring icon at mini-maintain na lamang ito para ‘di masagad sa training.

Dagdag pa ng kongresista, sa July 15 sila tutungo sa Las Vegas at may gagawin pang ilang araw na light training.

Samantala, nanawagan si Cong. Pacquiao sa mga Filipino na ipagdasal si Pacquiao sa nalalapit na laban kontra Keith Thurman sa darating na July 21 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

pacquiao funny
Pacquiao during a visit to Universal Studios (photo from Mike Quidilla)
Pacquiao universal studio
Pacquiao during a visit to Universal Studios (photo from Mike Quidilla)
Pacquiao basketball
Pacquiao during a visit to Universal Studios (photo from Mike Quidilla)