Nabawi ni Joshua Pacio ang kaniyang ONE strawweight world title matapos patulugin sa ikaapat na round si Yosuke Saruta sa ONE: Roots of Honor na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Una kasing natalo si Joshua noong Enero sa pamamagitan ng split decision laban kay Saruta.

Siya rin ang unang miyembro ng Team Lakay na nabawi ang apat na world titles na nawala noong nakaraang taon.

Sinabi ni Pacio na talagan pinagana niya ang kaniyang game plan.

Mayroon ng 14-3 win-loss record si Pacio.

-- Advertisement --