Nakatakdang ipagtanggol ni Joshua Pacio ang kaniyang titulo laban kay dating world champ Alex Silva.

Gaganapin ito sa Enero 31, sa ONE: Fire & Fury sa Mall of Asia.

Galing sa panalo ang 23-anyos na Team Lakay member ng talunin si Rene Catalan noong Nobyembre sa pamamagitan ng second round submission.

Nais ngayong patunayan ni Pacio na ipakita ang lakas nito laban sa Brazilian jiu-jitsu blackbelter.

Magiging co-main event naman ang laban ni dating ONE lightweight world champion Eduard Folayang laban kay Ahmed Mujtaba sa 77.1 kg. diviison.