Sinuspinde na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang ginagawa nitong parallel investigation sa kontrobersyal na good conduct time allowance (GCTA) law.

Ayon sa PACC, ang hakbang ay tugon para bigyang daan ang nagpapatuloy na pagsisiyasat dito ng Senado at Office of the Ombudsman.

Mismong Office of the President na rin daw ang tumawag sa pansin ng tanggapan para itigil ang ginagawa nitong imbestigasyon.

Kung maaalala, kabilang sina PACC chairman Dante Jimenez at commissioner Manuelito Luna sa mga resource persons ng Senate hearing.

Sa kabila nito, sinabi ng komisyon na handa pa rin silang magbigay ng tulong sa ginagawang imbestigasyon ng dalawang institusyon.

“However, we will continue to provide assistance to both institutions given the seriousness and magnitude of the problem, and especially when sought for,” ayon sa PACC.