CEBU CITY- Pabayaan nalang umanong magbangayan si Presidente Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa usapin ng war on drugs.

Ito ang naging pahayag ng political analyst at UP, Diliman Professor Dr. Clarita Carlos nang makapanayam ng Bombo Radyo Cebu.

Ayon kay Carlos na hindi man niya alam ang inside story nang mga nangyayari ngunit sa tingin niya ay nagkakahamonan lang ang dalawa at aniya na may “pikonan all around”. Dini dare rin umano ng bise presidente si Duterte na tanggalin nalang at ginawa naman ng pangulo.

Naniniwala si Carlos na sa hindi magiging madali ang pagresolba ng problema sa iligal na droga sa Pilipinas dahil napakalalim umano nito. Dapat rin kasi umano nagkaka-usap ang mga Drug Enforcement Agencies at pagtuunan rin ang medical health issue.

Bagay na inaasahan rin sana niya kay VP Leni.

Giit naman ng political analyst na whole community effort ang kailangan din sa kampanya laban sa droga lalong lalo na ang pamilya na karamihan ay nagkakawatak-watak na

Subalit kahit may community effort ngunit wala rin umanong suporta galing mismo sa pamilya, hindi pa rin magiging maayos ang problema ng mga “young addicts”