CENTRAL MINDANAO- Sinira ng malakas na hangin at ulan ang isang paaralan sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa mga guro ng Datu Mantangkil High Shool sa Arakan North Cotabato na parang buhawi ang tumama sa kanilang paaralan.

Winasak at sinira ng malakas na hangin at ulan ang isang silid aralan kung inilipad pa ang kanilang mga kagamitan.

Sa sobrang lakas ng hangin ay natumba ang paaralan at nabasa ang mga aklat,mga personal na kagamitan ng mga guro at iba pa.

Suwerte namang walang nasugatan sa mga guro at mga estudyante dahil ang iba ay nakauwi na.

Rumesponde ang mga opisyal ng Barangay at pinagtukungan ng mga guro at mag-aaral na maisalba at mahakot sa ligtas na lugar ang mga gamit sa loob ng paaralan.