DAVAO CITY- Patong-patong na kaso ang haharapin ng mag-asawa dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Ito’y matapos na arestuhin ng mga kapulisan sa kanilang isinagawang buy-bust operation sa Barangay New Opon Magsaysay, Davao del Sur sila Bangilista Naga Eson alyas Vhangs, 31 anyos, residente ng Labungan, Datu odin Sinsuat, Maguindanao at Clarrish Flores Orevillo alyas Kakay, 19 anyos at residente ng Barangay Sinawilan, Digos City, Purok 2, Barangay New Opon, Magsaysay, Davao del Sur.

Nakumpiska mula sa kanilang posisyon ang mahigit kumulang 60 grams ng shabu na may street value na P960,000 at improvised glass tooter.

Dahil sa bigat ng timbang ng nasabing droga na nakuha mula sa kanilang posisyon, posibling hindi na makakalabas pa ng kulungan ang nasabing mag-asawa.

Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Section 12 sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Advertisement --