Aabot sa P9-milyon halaga ng cocaine ang nakumpiska sa isang Indonesian national na nagtangkang ipuslit ito sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Galing sa Doha ang Indonesia national at nakita ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) ang mga droga na nakasilid sa secret compartment ng bagahe nito.

Umabot sa mahigit 1.5 kilos ang timbang ng nasabing cocaine na nakuha sa nasabing suspek.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa naarestong suspek.