33
-- Advertisements --

32

Nasabat ng mga operatiba ng PDEA-NCR, Bureau of Customs at PNP ang samut-saring party drugs na nagkakahalaga ng P8.5 million sa isang lady consignee mula sa controlled delivery operation na ikinasa kahapon December 7,2021.

Kinilala ni PDEA Region 3 director Brian Babang ang naarestong consignee na si Ana Fe Morilla a.k.a Jonah Ileve y Cabanilla, residente ng Guava St. CAA PH2 , Las PiƱas City.

Ayon kay Babang, ang package ay naglalaman umano ng ecstasy tablets nang ito ay dumating sa Port of Clark noong December 03, 2021.

Ang nasabing bagahe ay nagmula sa bansang Belgium, at diniklarang lampara.

-- Advertisement --

Ayon sa PDEA Clark AIU chief, nagsagawa sila ng initial test gamit ang Rigaku narcotics device, at dito nadiskubri ang presensiya ng MDMA na naging dahilan para magsagawa sila ng controlled delivery operation.

Sinabi ni Babang, aabot sa 4,970 piraso ng ecstasy tablets ang nakumpiska.

Kasong paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs), of Article II ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa suspek.