-- Advertisements --

Hindi nakikita ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tataas ng karagdagang P7 ang presyo ng langis sa susunod na dalawang buwan.

Subalit nilinaw ni Cusi na depende pa rin ito sa developments pagdating sa global market.

Ngayong tumaas ang demand, sumirit sa mahigit P7 ang presyo ng kada litro ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa loob lamang ng dalawang buwan.

Kahapon, nagpatupad pa ulit ang mga kompanya ng langis ng price hike.

Ang presyo ng kada litro ng diesel ay nadagdagan ng P1.50 habang ang presyo ng gasolina naman ay tumaas ng P1.80.

-- Advertisement --

Sinabi ni Cusi na kinausap na ng Department of Energy ang mga local companies na magbigay ng diskuwento para sa mga motorista.

Bukod dito, nakikipag-usap din ang DOE sa Department of Transportation at LTFRB hinggil sa pagbibigay ng subsidiya para matulungan ang mga tsuper na apektado ng oil price hike.