Northern Samar 1
Northern Samar

(Update) TACLOBAN CITY – Aabot sa P66 million na halaga ng shabu ang natagpuan na palutang-lutang sa karagatan na sakop ng Biri, Northern Samar.

Ayon kay Brig. Gen Dionardo Carlos, regional director ng PRO8, magkahihiwalay na natagpuan ang naturang shabu sa baybayin ng Pio del Pilar sa bayan ng Biri.

Unang nakita ng isang mangingisda ang three packs nito na may bigat na 7 kilograms habang natagpuan naman ng isang bata ang dalawa pang packs na may bigat na 2.9 kilograms.

Agad naman itong isinailalim sa pagsusuri kung saan positibong nakumpirma itong metamphetamine hydrochloride o shabu.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan nanggaling ang natagpuang 9.7 kilos ng shabu.

Shabu Biri Northern samar