PDEA 1
-- Advertisements --

PDEA1

Nasa P6.8 million halaga ng shabu ang nasabat nang pinagsanib na pwersa ng PNP Rizal at PDEA sa isinagawang buy bust operation sa Antipolo City sa probinsiya ng Rizal kagabi.

Kinilala ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva ang naarestong drug suspek na si John Lennon Tadena aka Lin, 23, residente ng Zontaville, San Isidro.

Nakumpiska sa suspek ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu na may market value na P6.8 million.

Nakuha rin kay Tadena ang tatlo pang piraso ng sachets naglalaman ng pinatuyong marijuana.

-- Advertisement --

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Siniguro ng PDEA chief na kahit nasa pandemic ang bansa dulot ng COVID-19, tuloy pa rin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Binigyang diin ni Villanueva hindi magiging hadlang sa kanilang kampanya ang sitwasyon ngayon para i-neutralize ang mga bigtime drug personalities.