-- Advertisements --

MANILA – Aabot sa higit P46-milyong halaga ng tulong ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) Regional Office Calabarzon sa mga magsasakang sinalanta ng nagdaang mga bagyo sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa DA-Calabarzon, pinaghatian ng 13 bayan at siyudad ang ipinamahaging agricultural aid: P860,000 (Burdeos), P2,068,200 (General Nakar), P4,303,680 (Infanta), P589,400 (Jomalig), P8,286,860 (Lucban), P2,834,080 (Mauban), P2,341,840 (Pagbilao), P808,000 (Panukulan), P924,000 (Patnanungan), P2,723,000 (Polilio), P1,029,000 (Real), P2,290,000 (Sampaloc), and P16,537,760 (Tayabas City).

Ang unang distrito ng lalawigan ay binigyan din ng P827,500 na tulong ng kagawaran.

Nagpasalamat si DA Region IV director Arnel de Mesa sa mga magsasaka at mangingisda dahil sa kanilang pagsisikap na makabangon matapos ang pananalasa ng mga bagyong Quinta, Tonyo, at Super Typhoon Rolly.

“To our farmers in Quezon, your outstanding work in agriculture is incomparable. You are our frontliners both during the pandemic and during the typhoons. This P46 million worth of intervention will not be the end of the support that DA will be giving you, especially now that we are about to face two more weather disturbances that is predicted to be more devastating than the previous ones,” ani De Mesa.

Bukod sa agricultural aid, mamamahagi rin daw ang regional office ng hiwalay na P5,000-grant sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng kanilang Social Amelioration Project.

Bukas din umano ang tanggapan para sa P25,000 loan ng mga magsasaka at mangingisda. Wala raw itong interes at pwedeng bayaran ng hanggang 10 taon.

Ginanap ang turn-over ng tulong pinansyal sa in Brgy. Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon noong October 30. Nagpasalamat din si Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark M. Enverga, na siya ring chairman ng House Committee on Agriculture and Food sa walang sawang tulong ng DA.

“The agriculture department responded hastily to our farmers’ call for help by the time they were devastated by typhoon and I will forever be thankful for their unwavering support to the farmers in Quezon. Together with DA, we will see each other again to deliver you additional support in order for us to have a more progressive and sufficient agriculture sector in Quezon,” ani Enverga.

Batay sa latest GDP report ng Philippine Statistics Authority (PSA), sektor ng agrikultura lang ang nakitaan ng malagong pag-angat dahil sa 0.7-percent growth para sa third quarter ng 2020.