Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang isang dayo matapos na marekober sa posisyon nito ang libong-libong halaga ng shabu sa bayan ng Pagalungan, sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si JC Mendoza Castillon, 43-anyo, residente ng Mintal, Davao City at may dalang 25 gramo ng shabu na nakalagay sa kanyang sling bag.

Sa report ng Pagalungan PNP, nahuli si Castillon sa isang checkpoint ng 4th MP – 1st Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Captain Kris Alob Solivio sa national highway na sakop ng Barangay Galakit, ng nasabing bayan.

Sakay umano ang suspek sa isang kulay puti na Toyota Hi Ace Commuter UV Express Van at nakaupo sa Front Seat.

Napag-alaman na pabalik na sana sa Davao city ang suspek sang maaresto ng mga otoridad.

Sa ngayon, sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang hinigpitan ang checkpoint dahil sa nagyaring serye ng pagsabong sa South Central Mindanao.