-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Sinampahan na ng kasong paglabag ng Customs Modernization and Tariff Act in relation to Section 1400 ang isang nagpakilala na consignee na si Lorna Oftana na umano’y mayroong mailing address sa General Santos City.

Ito ang kinompirma ni Bureau of Customs Cagayan de Oro collector Atty Elvira Cruz kasabay nang pagwasak ng nasa P30 milyon na halaga ng mga peke na sigarilyo na unang kinompiska nila noong dumaong ang sinakyang barko sa Mindanao Container Terminal sa bayan ng Tagoloan,Misamis Oriental.

Mismo si Cruz kasama ang ilan sa kanyang mga opisyal at representasyon ng kompanyang Philip Morris ang sumira ng nasa 48, 850 reams ng sigarilyo sa Digama Warehouse and Destruction Facility ng Barangay Bayabas ng lungsod upang tuluyan na hindi na magamit pa.

Inihayag ng opisyal na dahil bigo ang consignee na ma-idepensa ang kanyang kargamento ay tuluyang kinompiska ito ng gobyerno hanggang napag-desisyonan na sirain at kinasuhan sa piskalya.

Dumating ang kargamento mula China sa bisinidad ng Northern Mindanao noong Mayo 20,2021.

-- Advertisement --