Nasa 3.3 kilos ng cocaine na nagkakahalaga ng P30 million na nakalagay sa libro ng pambata ang nakumpiska sa isang babae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nakatakda sanang umalis patungong Thailand si Ma. Clara Bedico ng ito ay harangin National Bureau of Investigation (NBI).

Kasamang inaresto ang isang Alvin Avila na nag-book sa kaniyang flight nitong nakalipas na Marso 28 at recruiter nitong si Antonette Mendiola.

Ayon kay NBI deputy director Vicente de Guzman III, dadalhin ni Badico ang droga sa Thailand at mula doon ay babiyahe siya ng Brazil.

Isinagawa ang operasyon base na rin sa timbre ng isa nilang operatiba.