CEBU – Umabot ng halos P3 milyong halaga ng shabu na nakuha ng pulisya sa kanilang buybust operation sa Sitio Lahing-Lahing II, Barangay Mabolo, lungsod ng Cebu.

Kinilala ang naarestong subject na si Marvin Saberon alyas ‘Ogis’, 32 taong gulang, at residente sa nasabing lugar.

Inihayag ni Police Corporal Alsendor Sueco ng City Intelligence Branch na isang high value target si Saberon kung saan matagal na ito sa iligal na aktibidad at nanggaling pa diumano sa amo nito ang mga nakuhang shabu.

Magsasagawa diumano ang pulisya ng validation sa mga isiniwalat ng subject, bago isagawa ang follow-up operation.

Nakuha ng pulisya ang 430 grams na ‘low-grade brown’ na shabu na nagkakahalaga ng P2.9 million.

Kakasohan naman ngayong araw si Saberon sa paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.