BAGUIO CITY – Matagumpay na binunot at sinunog ng mga awtoridad ang mahigit P3.6 million na halaga ng marijuana sa Tacadang, Kibungan, Benguet.

Ayon sa PDEA, nadiskubre ang walong plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,500 square meters sa naturang barangay.

Binunot at sinira ng mga kinauukulan ang halos sa 13,000 na fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P2.8 million.

Nadiskubre din ng mga kinauukulan ang pitong kilo ng napatuyong marijuana stalks na nagkakahalaga ng P840,000.

Nagsasagawa na nang malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng mga marijuana cultivator sa Tacadang, Kibungan, Benguet.

-- Advertisement --