CEBU CITY – Huli ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa isang buy bust operation kaninang madaling araw sa Sitio Tugas, Brgy. Pardo, lungsod ng Cebu.

Kinilala ang sentro ng operasyon na si Niño Obeniata Cabiso, 37, at nakatira sa nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon mula sa hepe ng Pardo Police Station na si Major John Kareen Escobar, napag-alamang isang high value target ang nahuling drug suspect.

Nasamsam ng mga pulis ang kalahating kilo ng shabu at may DDB value itong P3.5 million.

Nasa kulungan ng presinto ngayon ang nahuling drug suspect at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.