Nilinaw ng Office of the Civil Defense (OCD) na ang napaulat na P24.6 na milyong pisong unliquidated fund transfer ng ahensya ay fully liquidated na.

Paliwanag ng OCD, ang pinagbatayan ng mga naturang ulat ay ang Commission on Audit (COA) Audit Observation Memorandum (AOM) na May petsang March 8, 2021.

Subalit naisumite na ng ahensya sa COA ang mga kulang na dokumento para ma-liquidate ang naturang halaga noong Marso 22, 2021.

Ayon sa OCD, ang naturang pondo ay inilipat sa Leyte Metropolitan Water District (LMWD) noong June 2019.

-- Advertisement --

Pero dahil sa Tagal ng procurement process at dahil narin sa pandemya, nahuli ang LMWD sa pagsumite sa OCD ng Notice of Award, contract documents, report of checks issued, at project accomplishment report, na kailangan naman ng OCD na isama sa kanilang liquidation report sa COA.

Tiniyak naman ng OCD ang kanilang buong koopersyon sa COA para sa maayos na pag gastos ng pondo ng taumbayan.

Samantala, itinanggi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may mga kahong-kahong face mask ang nakaimbak lang sa Kampo Aguinaldo lalo na sa Office of the Civil Defense (OCD) at hindi ginagamit.

Sinabi ng kalihim ito yung mga ready reserve ng OCD na kanilang ipinamamahagi sa mga nangangailangan na AFP units at maging sa mga local government Units.