LA UNION – Aabot sa P204,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa dalawang suspek sa isinagawang buy bust operation sa ciudad ng San Fernando, La Union kagabi.

Nakilala ang mga naaresto na sina Micaela Paloma, 49, biyuda, residente ng Montera Homes, Bucabdala, Imus, Cavite; at Frederick Filomeno, 44-anyos, binata, residente ng Barangay Ilocanos Sur, San Fernando City.

Sa buy bust operation na isinagawa ng San Fernando City Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1, nakumpiska sa mga mga suspek ang 10 transparent heat sealed plastic sachet ng umano shabu; isang transparent heat sealed plastic sachet ng umano shabu na nabili mula sa mga ito; dalawang piraso ng genuine P1,000 bilang marked money at 23 piraso ng boodle money; at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nanatili pa sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.