May inilaan ang gobyerno na P200 billion bilang tulong sa mga low-income households na apektado ng community quarantines dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

presDuterte
President Duterte/ PCOO FB imagr

Sa national address ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga mabibigyan ng nasabing ayuda mula sa nasabing halaga ay yung mga manggagawa na sumasahod ng arawan o ang no work, no pay employees.

Dalawang buwan na makakatanggap ng tulong depende sa kung magkano ang ipinapatupad na regional minimum wage.

Nanawagan din ang pangulo sa mga may kaya sa buhay na patuloy na tulungan ang mga mahihirap.