Reading Time: 1 minute

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang isulong ng 1st Infantry Division (ID) ng Philippine Army ang pagbibigay ng P20,000 cash sa bawat surrenderee ng grupong Dawla Islamiah.

Ito ang sinabi ni 1st ID spokesperson Capt. Clint Antipala sa interview ng Bombo Radyo.

Aniya, nais nilang mabigyan ng gantimpala at programa ang mga nagsipagsuko lalo na’t bitbit nila ang kanilang mga armas.

Sa ngayon, hinihimok ni Capt. Antipala ang lahat ng nagnanais na sumuko sa militar na huwag mag-atubiling lumapit sa kanilang mga barangay hall upang matulungan ng kanilang konseho.